Charlie’s Grind & Grill (Ronac Art Center)
Dahil sa Ronac kami kumain, sosyal mga tao, mga artsy-farsty na kilala ang lahat ng pintor na isinilang sa mundo, thespian o anumang may kinalaman sa sining at kultura. At ang Charlie’s kilalang-kilala dahil sa kanilang mga burger. At iyon ang kinain namin.
Black Angus Burger with Shrooms! Minsan lang naman ang ganito kaya subukan na natin ang rekomendasyon ng Spot.ph. Medyo sumobra nga lang ako rito dahil may fries pa. Lumobo tuloy tiyan ko pagkatapos. May burger nga, tapos mushroom pattie pa.
Fries na sinabaw. Mapapalaway ka tuwing tinitingnan mo.





Nagsimula ang Firuz sa pagbebenta ng Shawarma lamang. Matatagpuan sa labas ang lutuan nito.
Ayan ang isa sa mga may-ari, si Bb. Carol, gumagamit ng kompyuter.
At habang hinahanda ang inyong ulam, puwede munang magbasa ng mga magasin nila ukol sa pagluluto at pagkain para lalo kang magutom.
At sa wakas! Dumating na ang Moroccan Lamb Pizza ko! Puwedeng-puwede na siya para sa P120. Yung pinakagusto ko rito yung sunflower seeds dahil ngayon lang ako nakatikim ng ganito. Pero kulang pa ‘to.
Yoghurt relish! Paliguan na ang ating pizza!
Masasabi ko lang ito ang pinakamasarap ng pizza na tinikman ko sa ganitong restoran. Mahilig na mahilig pa naman ako sa pizza. Panalo talaga yung sawsawan nila. Isa pang bagay nga pala na dapat ninyong malaman yung tagaluto nila nagtrabaho na rin sa isang Griyegong kainan sa Australia. Sulit sa bulsa, at alam mong masarap talaga ang kinakainan mo. Siguradong babalik pa ako rito para tikman ang iba pa nilang ulam.
May-ari nito galing Gitnang Asya kaya maaasahan ninyong tunay na pagkaing mula sa lugar na iyon ang makakain niyo rito. Libre pa wee-fee nila!
Sa mga gusto maging dragon diyan, may shisha sila.
Ito ang isa sa mga pinakamabili nilang pagkain, ang beef kebab. Yung pagkaluto naman katulad ng ibang mga restoran pero yung kanin nila yung talagang nagustuhan ko. Malambot, may halong tamis at alat at madaling kainin. Haba noh?
Noong una, akala ko talaga galing ‘to Amerika tulad ng McDo dahil sa mga kwentong inilalahad ng mga placemat nila. Ganda ng disenyo sa loob, aakalain mo mula talagang Kanluran.
Bale, inorder ko ‘tong Beef Pot Roast nila. Mabigat sa tiyan, sakto lang sa bulsa dahil hindi masyadong mahal. May sawsawan sila bukod pa sa gravy na nakasalang na sa plato. At imbis na kanin, patatas. At hindi lang ito ang kinain ko…
Brownie a la Mode! Medyo busog na ko mula sa inulam ko at dapat kakain pa ako sa ibang lugar pero naging baboy ako at hiningi ko pa ‘to. Medyo mahal, P120 pero sakto lang naman yung lasa. Tamang tamis, at saktong palaman sa tiyan.
Hindi ako umiinom ng kape pero tuwing may kamiting ako sa Ortigas, parati ko silang pinapapunta sa CBTL. Dahil nakapwesto ito sa Atrium, medyo sosyal mga bumibili rito at tahimik ang lugar. Parati akong umo-order ng non-coffee ice blended na inumin tulad ng Pure Chocolate pati Vanilla.





Kaya malakas si Popeye.